BALAKID



Napakatagal na rin nang huli akong magsulat ng mga prosa't talata. Ilang buwan na ring naging matamlay ang tinta ng aking bolpen at iilang salita palang ang naisusulat sa malinis na dilaw na papel. Sa sobrang tagal na ay nakalimutan ko na yata kung paano bumuo ng talata para maging isang artikulo.
Ang dami-rami namang nagyayari sa paligid kagaya noong nakaraang semestre, pagkakulong at kadramahan ng mga politiko, patayan, child labor, diskriminasyon, pambu-bully, kahirapan, bagyo, problema sa edukasyon, sa mga pagtaas ng pasahe at gasolina, sa mga di matapos –tapos na iringan, sa pag-aagawan ng teritoryo at marami pang iba ngunit wala pa rin akong matipuhang paksa para isulat. Para akong naghahanap ng isang nawawalang bagay sa isang bodegang tambak ng mga gamit na pinaglumaan na. Tama, naghahanap ako ng paksang pupukaw sa interes kong magsulat at pumukaw ng damdamin ng mambabasa. Ngunit parang naghahanap ako ng wala. Naghahanap akong mahanap ang isang mahirap na bagay. Ang gulo ko no’?
Ang dami – rami na kayang nilamukos na papel doon sa basurahan. Sulat ng iilang salita, pag di nagustuhan, punit at tapon sa basurahan. Tamang-tama sila na ang pinakamahirap sa pagsusulat ay ang pag-uumpisa. Ang dami raming ideyang pumapasok sa utak mo ngunit nung ilalapat mo na ito sa papel ay bigla naman itong mawawala (nakakainis kaya ang ganun). Ilan na kaya ang text at tawag ng aking editor para kunin na ang artikulo pero wala pa rin akong maibigay, di pa nga nangangalahati ang sinu-sulat ko (kaya kung binabasa mo pa rin ang artikulo kong ito, sige, ipagpatuloy mo lang). Nakakahiya na tuloy, tsk.
Paano kaya kung sabihin kong blangkuhan nalang ang espasyo kong ito? Iyong parihabang box pero walang nakasulat? Pwede kaya yun? Kaya nga minsan naisip ko na sa buhay ng tao, may mga pagkakataong na uubusan tayo ng salitang sasabihin, nauubusan tayo ng mga ideyang ibabahagi, nauubusan tayo ng sense (kagaya ng article na ito). Kaya isa iyang patunay na sa buhay ng tao, darating at darating ang panahong mafi-feel mo ang emptiness.

Oh, siguro hanggang ngayon iniisip niyo na walang sense itong pinagsasabi ko. Bahala na kayo kung paano ninyo ia-analyze ang lahat ng sinulat ko sa patlang na ito. Kaya kung nais ninyong punan ng mas mahalagang eksena o estorya ang puwang na ito edi sana sumali kayo sa pahayagan. Pero salamat pala, salamat kung hanggang dito ay sinamahan mo pa rin ako. Oo, ikaw na nagbabasa nito, kaya hanggang dito na lang. Salamat ulit.

For someone i love who doesn't love me back!

Alam ko na alam mo sa simula pa lamang ay may paghanga na ako sa iyo.

Siguro sa simula ay parang laro lang ang lahat ngunit unti-unti nang nahulog ang puso ko sa iyo. Pala tawa ka kasi at napakabait mo pa. Gusto ko rin ang pagka-inosente mo sa mundo dahil parang kahit simpleng bagay lang ay nagiging masaya tayo. Palabiro ka rin. Natatandaan ko pa nga na palagi mo akong inaasar dahil mataba ako o malaki ako. Sabi mo "double" o dalawa ang count ko sa tuwing bilangan kung iilan ang kailangan o iilang slots. Tinawanan ko lang ang mga iyon dahil sana'y na ako sa mga ganoong biro. Di ko na lang pinapatulan dahil alam kong wala rin namang patutunguhan. 

Yun na nga, para sa akin, naging sweet ka. Oo, naging maayos ang pakikitungo mo sa akin. Nakakatawang isipin na naging asuuming ako sa lahat ng pagkakataon. Na sa tingin ko ay mali. Oo, mali na isipin kong ganun, na merong patutunguhan ang lahat. 

Alam ko naman na sa simula pa lamang ay mas papaburan mo ang babae kesa naman sa akin. Bakla na nga, mataba pa tapos panget. Alam ko kasi na sa huli, babae pa rin ang hahanap-hanapin mo. Tama rin naman kasi ang ganoon kasi lalaki ka. Ako naman talaga ang mali. 

Siguro masyado lang akong naapektuhan. Siguro masyado lang din ako nag assume at nag-expect.

Sabi ko nga noon sa isang text message ko sa yo na "Alam kong darating ang panahon na mahahanap mo ang para sa iyo, pero ngayon na wala pa, pwede ako muna?" ngunit wala kang sinagot.

Nagpumilit pa rin ako ngunit wala eh, siguro hanggang kaibigan na lang talaga ang turing mo sa akin. Hindi na maglelevel-up ang lahat lahat. 

 Kaya nga sinubukan kong kalimutan ka.

Isang gabi anim na taon na ang nakakaraan, napagkasunduan namin ng dalawang ko pang kaibigan na mag-away away dahil sayo. Ang tanga ko noh? Nakakatawa dahil parang kaming baliw. Nahiya ako sa sarili ko dahil sa mga pinag-gagagawa namin. Alam kong nag-alala ka noong mga panahong iyon at doon rin anman nagkagulo ang lahat o di kaya'y kami lang ang nanggulo.

It was not really part of the plan. siguro kaya may nadadag rin sa inyo o sila na ang kasa-kasama ninyo at kaming tatlo ay naiwan. (This is my side of the story kaya walang kokontra.) Feeling ko kasi na na-leleft behind kami dahil na rin siguro dahil naging irregular ang status namin.

Noong mga panahong iyon sabi ko na kakalimutan na talaga kita. Naging okey ang takbo ng "pagmomove-on" ko dahil minsan lang tayo magkita o pag nagkakasalubong ay di na tayo nagpapansinan at kahit sa text ay wala na. Siguro choice mo din yun, Saka nga pala, sorry! 

Dumaan ang mga araw, nabalitaan ko na lang na nagkaroon ka nga ng girlfriend. Sabi ko na okey lang dahil atleast ngayon masaya ka na. Sabi ko rin naman kasi na wala naman akong grudges na nagka girlfriend siya dahil unang una ay wala akong karapatan at isa pa, wala rin naman siyang paki-alam sa akin. Kaya ayun. Sabi ko sa mga naging matalik kong kaibigan na wag nalang i-brought up yung topic baka kung anu lang ang mangyari. Sinabi ko yun in a manner of a joke pero sa totoo lang masakit. Pero unti-unti ko namang kinalimutan ang lahat. Kahit unti-unti ay nakapag move on ako.

Bakit kasi pinapa-complicate ko yung mga bagay-bagay. Kung sinabi ko noong i love you, mag i love you too kaya? Ay teka, sinabi ko kaya yan noon. Pero ang sagot mo lang ay "Salamat".

Ganun ba yun talaga? Nagiging tanga pag na in-love? Wait, na-inlove nga ba ako? (i'm hindering myself ulit) 

Maibalik ko lang, matapos ang ilang taon na hindi pagpansinan o pagsama sa mga lakad o gimik, naging okey ako. Nawala ka na sa isip ko. Kaya naman naging mapanatag ang loob ko. Ngunit nitong mga nakaraang araw,  Nung magkrus ang landas natin ulit sa di inaasahang pagkakataon. Naging close ulit tayo. Nag-usap kahit na medyo awkward at nakitawa sa mga biro ng kasama natin. (Actually, di ko expected na ganoon ang mangyayari dahil noong panahon na trina-try kong i-text ka o i-chat sa FB ay wala kang response, Alam mo bang nakaka-sad ang ganun, palagi nalang left behind.) Kaya naman natawa ako sa nangyari ngunit di na ako umaasa. Ang dami kayang babae at bakla ang umaali-aligid sayo at may lakas sila na landiin ka. 

Ay wait, may ikwe-kwento pa ako, ayun, nung magkita tayo ay nanghina ako. Oo, nanghina ang mga tuhod ko dahil finally, nag smile ka sakin which is bizarre at that moment. Kinabahan akong muli. Naalala ko ang mga panahon na matalik pa tayong magkaibigan. Yung mga masasayang alaala na alam ko para sa iyo ay wala lang. Kaya naman narealize ko na palagi nalang 1-way ang pag-ibig ko. Mag-isa lang akong umiibig. Walang reply o feedback. Pero, alam mo, okey lang. 
Ginusto ko kasi yun. Choice ko yun. Wala akong dapat na pagsisihan sa desisyon kong ibigin ka. Tatanga-tanga kasi ako, Mahina. at higit sa lahat, walang bilib sa sarili.  

SUPPORTING ACTOR peg

Siguro may mga taong pang supporting actor o actress lang ang peg at kailanman ay hindi naging bida sa sarili niyang pelikula. Yung tipong pang best in supporting actor o actress lang ang peg ng beauty mo. Yung hindi ka napapansin at parang isang magandang wallflower lang. Flower nga pero pang wall lang.

Nakakababa ng self-esteem anu? Ganoon ang naiisip ko ngayon. Parang lahat ng bagay sa universe ay nag-conspire para supportahan mo ang ibang tao sa mga ginagawa nila. Di ka pansinin ng tao at madaling makalimutan. Feel ko ganoon ako. Oo, minsan, mas okey na ang ganun kesa naman sa sentro ka sa lahat ng problema sayo. Pero minsan rin naman, nakakalungkot na dahil kahit todo effort ka para mapuri naman kahit minsan ay wala ka pa ring ka-amor amor sa kanila. Yung parang tinatawag ka lang ng direktor kung kailangan ng bida ng suporta o kung kinakawawa na ang bida.

Minsan nga, may kasiyahan, di ako invited tas halos lahat ng kakilala ko ay noroon. O di kaya naman ay nahuhuli ka sa mga nangyayari dahil di ka kasali sa group na kung saan palagi silang nag-GGM. At minsan ay hindi ka talaga tinetext. Nakakaligtaan ka dahil daw ang bnoring mong kasama.

Nakaka-awa? Oo. nagse-self pity ako. Siguro naman di lang ako ang nakaka-feel ng ganito. Okey fine. Kahit pang supporting actor/actress lang ako dahil di ako ganoon ka-attractive o nag-uumapaw ang personality, Alam ko na di mapapansin ang bida kung walang supporting actor o actress sa tabi.

And that's it, Ladies and Gentlemen,
For that, i rest my case.