Siguro may mga taong pang supporting actor o actress lang ang peg at kailanman ay hindi naging bida sa sarili niyang pelikula. Yung tipong pang best in supporting actor o actress lang ang peg ng beauty mo. Yung hindi ka napapansin at parang isang magandang wallflower lang. Flower nga pero pang wall lang.
Nakakababa ng self-esteem anu? Ganoon ang naiisip ko ngayon. Parang lahat ng bagay sa universe ay nag-conspire para supportahan mo ang ibang tao sa mga ginagawa nila. Di ka pansinin ng tao at madaling makalimutan. Feel ko ganoon ako. Oo, minsan, mas okey na ang ganun kesa naman sa sentro ka sa lahat ng problema sayo. Pero minsan rin naman, nakakalungkot na dahil kahit todo effort ka para mapuri naman kahit minsan ay wala ka pa ring ka-amor amor sa kanila. Yung parang tinatawag ka lang ng direktor kung kailangan ng bida ng suporta o kung kinakawawa na ang bida.
Minsan nga, may kasiyahan, di ako invited tas halos lahat ng kakilala ko ay noroon. O di kaya naman ay nahuhuli ka sa mga nangyayari dahil di ka kasali sa group na kung saan palagi silang nag-GGM. At minsan ay hindi ka talaga tinetext. Nakakaligtaan ka dahil daw ang bnoring mong kasama.
Nakaka-awa? Oo. nagse-self pity ako. Siguro naman di lang ako ang nakaka-feel ng ganito. Okey fine. Kahit pang supporting actor/actress lang ako dahil di ako ganoon ka-attractive o nag-uumapaw ang personality, Alam ko na di mapapansin ang bida kung walang supporting actor o actress sa tabi.
And that's it, Ladies and Gentlemen,
For that, i rest my case.
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na opinion. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na opinion. Ipakita ang lahat ng mga post
WHAT'S MY NUMBER??
Na-inlove ako habang nanonood ng "what's your number?" kanina kasama mga pinsan ko dahil holiday raw at walang pasok. Mas pinagka-interesan ko pa ito kesa gawin ang audit working paper at limpak limpak na assignment ko sa auditing problems.
"Being in love means being yourself..
and I'm happiest when I'm being myself
and I'm myself when I'm with you"
Kaya ganun na siguro ang magiging pamantayan ko sa love. Ang pagiging totoo. Kailangang mahalin niya ako kung anu at sino ako at wala dapat akong baguhin sa sarili ko para mahalin ng isang tao.
Kaya kung magmamahal kayo. Uliting basahin ang quote sa taas.. baka may maitulong hehehe ♥♥♥
Tama. Accountacy student ako. wait. let me re-phrase that, naghihikahos at pagod na pagod na accountacy student ako. Napaka komplikado kaya ng accountacy. kung sino man ang magsabing madali at sisiw and course na ito ay isang henyo. Kaya nga ata na-uso na ang term na "HAGGARDO VERSOZA" sa amin dahil kakaunti at mabibilang mo lang ang fresh (well except sa first year dahil wala pa naman silang major major.. i mean problems.. hahaha)
Mabalik ako.
Di ko alam kung bakit nagustuhan ko ang movie na ito. Siguro dahil excitingly funny at cute ang storyline at phasing ng story at crush ko si "Chris Evans". hahaha.
Nagustuhan ko rin ang quotable quote nilang..
"Being in love means being yourself..
and I'm happiest when I'm being myself
and I'm myself when I'm with you"
Kaya ganun na siguro ang magiging pamantayan ko sa love. Ang pagiging totoo. Kailangang mahalin niya ako kung anu at sino ako at wala dapat akong baguhin sa sarili ko para mahalin ng isang tao.
Kaya kung magmamahal kayo. Uliting basahin ang quote sa taas.. baka may maitulong hehehe ♥♥♥
Sawing Vandalism
Nakatulala na naman ako kanina
Habang nagsasalita ang aming guro sa harap
Malayo ang iniisip
Na parang wala sa kinauupuan ko.
Nakakagimbal.
ngunit bigla akong tinapik ng katabi ko.
Nakangisi raw ako na parang baliw.
At bigla niyang napansin
Tinuro ang aking armchair.
Ang pangalang naka-vandal ang kanyang tinutukoy.
Tiningnan kong mabuti.
Hugis puso gamit ang itim na marker,
Dalawang pangalan.
Ang nasa taas ay ang sa dati kong iniibig
at ang isa nama'y di ko kilala.
Bigla lang akong nataranta
Ngunit nagkibit balikat lang ako.
Bigla kong naalala
ang biglaang halik sa aking pisngi
matamis ngunit may bahid ng pait
Wala akong nagawa
Kaya't humagulgol ang kalangitan
Tamang-tama sa aking nararamdaman.

O my G Pilipinas!!
Bakit nga ba napaka hunghang ng mga tao at ganun nalang bigla ang turn-out ng election?
Ako rin naman ay nabigla sa sa naging resulta. Mistulang isang 6 o 7 years old na mga bata ang bumoto dahil walang kainda-indang binoto ang mas kilalang apelyido kesa doon sa mga taong may kapas sa senado.
Nakakadismaya.
Hayaan ninyo akong magbigay ng kakaunting assesment sa eleksyon sa Pilipinas.
Sa mahigit 50 milyong botante nung ika-13 ng Mayo, ang karamihan ay hindi man lamang nag-aral, hindi sapat ang kaalaman tungkol sa sitwasyong politikal ng bansa at kahit ang mga tumatakbo para sa posisyon na pinili nila ay walang sapat na kaalaman sa paglilingkod at serbisyo sa mamayan.
Ang problemang ito ay resulta ng ating Konstitusyong nagsasabing walang literacy requirement sa mga botante. At kahit ang konstiutusyon ay nagtalaga na sang pwedeng tumakbo sa senado ay marunong magsulat at magbasa, hindi parin requirement ang educational attainment ng mga kakandidato.
Ikumpara natin rito ang "Police Act" ng bansa, nagsasabi itong walang ni-sinumang tao ang itatalagang police kung wala siyang college degree. Pero sa politika, kahit sinong tao pwedeng maging presidente, bise-presidente, senador, o kongressman ng bansa kahit di nakapag kolehiyo basta't nakaka basa't sulat.
Bakit ganito?
Nakakapanlumo...
P.S.
Sa mga nanalong kandidato, kailangan ninyong gawin ng tama ang mga trabaho ninyo. Sayang ang perang ginugugol ng bansa para sa inyo at dahil kayo na ang naka-upo sa pwesto, i-unlad ang pilipinas.

Mag-subscribe sa:
Mga Post (Atom)