PERSTAYM

Naalimpungatan nalang ako isang umaga
Ito ang tamang panahon.
Malamig at makulimlim.
Senyales na mamaya tatangis na naman ang langit.

Kinuha ko ang pulang payong 
sa may malaking plurera 
malapit sa lalagyan ng mga sapatos.
At nakita ko ang isang pirasong tsinelas
na naging saksi ng makamundong tagpo sa aking silid.

Sinariwa ko ang nangyari,
Nangusap ang ating mga labi,
Buntong hininga ang aking sagot.
ngunit ang hangos mo ang pumakawala sa ating saplot.

Halos lakbayin ng iyong pandama
ang ilang bundok at gubat,
maging ilog at dagat pa.
isa, dalawa at libo pa,
sabay sa ritmo ang indayog
hanggang sa huli'y
alam kong magkakalas tayo.

RATED SPG...
:P

4 (na) komento:

  1. natuwa naman ako at nasa huli ang SPG warning... layo ng narating ah... masukal ba ang gubat? matubig ba ang ilog? matayog ba ang bundok?malalim ba ang dagat?

    bakit nagkalas???

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. Alam naman po nating bawal at makamundo lang ang tagpong iyon.. kaya nagkalas.. hiwalay.. wasak.. wala na! TAPOS!! hahaha.... ganun atah pag walang LOVE... hehehe

      Burahin
  2. Parang opening ng Hiraya Manawari ang peg ah hehehe
    malayo nga ang narating...

    TumugonBurahin