For someone i love who doesn't love me back!
Bintana
Naramdaman ko na naman ang init ng haplos
Ang haplos ng hanging nagbabalik ng mga alaala
Ng mga bagay-bagay na minsan ko nang kinalimutan
Dahil nasasaktan ako tuwing na-aalala
Heto na naman ako,
Nakadungaw sa aking bintana
Nasilayan ang ib'at ibang itsura at pigura
Ng mga bagay na ginawa ng Diyos.
Malay ko bang magiging sentimental na naman ako
At habang sinusulat ko ang kathang ito
Ako'y muling nalulumbay
Sa panunumbalik ng mga alaala.
WHAT'S MY NUMBER??
"Being in love means being yourself..
and I'm happiest when I'm being myself
and I'm myself when I'm with you"
Kaya ganun na siguro ang magiging pamantayan ko sa love. Ang pagiging totoo. Kailangang mahalin niya ako kung anu at sino ako at wala dapat akong baguhin sa sarili ko para mahalin ng isang tao.
Kaya kung magmamahal kayo. Uliting basahin ang quote sa taas.. baka may maitulong hehehe ♥♥♥
Simbolo at buhay
Muli't muli,
ang buhay ay puno ng himutok.
puno ng mabababaw na salita
at mga parirala.
Minsa'y may umuusbong na mga kataga,
Minsan naman ay mga salitang may kakaibang kahulugan.
ngunit paano nga ba tutuldukan ang buhay
kung puno pa ito ng mga tandang pananong.
puno pa ng mga katanungang magpapa isip sayo kung anu nga ba ang saysay ng buhay.
kung anu ba ang kwentong nais nitong ipahiwatig.
ang katanungang nais nitong sagutin.
ang mga bagong ideyang madidiskubre
at mga alaalang nais kalimutan.
tama nga sila.
ang buhay ay isang misteryo.
di mo malalaman kung kelan tutuldukan
ang kwento ng buhay mo.
KATHA ni AZURE
Sawing Vandalism
Habang nagsasalita ang aming guro sa harap
Malayo ang iniisip
Na parang wala sa kinauupuan ko.
Nakakagimbal.
ngunit bigla akong tinapik ng katabi ko.
Nakangisi raw ako na parang baliw.
At bigla niyang napansin
Tinuro ang aking armchair.
Ang pangalang naka-vandal ang kanyang tinutukoy.
Tiningnan kong mabuti.
Hugis puso gamit ang itim na marker,
Dalawang pangalan.
Ang nasa taas ay ang sa dati kong iniibig
at ang isa nama'y di ko kilala.
Bigla lang akong nataranta
Ngunit nagkibit balikat lang ako.
ang biglaang halik sa aking pisngi
matamis ngunit may bahid ng pait
Wala akong nagawa
Kaya't humagulgol ang kalangitan
Tamang-tama sa aking nararamdaman.
OUT OF SCENE
yet i claim you as mine.
we were so close that you trusted me
and i trusted you trusted you in return.
But after that incident,
our distance grew farther and farther
it's my fault, sorry.
And now that someone you love owns you
i have nothing to do
but be jealous in the sidewalk
watching you
as you two talk intimately.
there were laughter and giggles,
smiles and teasing eye contacts that bothers me most.
I walk out of the scene
and disappear like a bubble in a thin air,
i cried.
i wish i could still call you
the way i do last time and tell you that i'm jealous.
i wish i could tell you that i wish i was the one you love
i wish i was the one holding your hand,
laughing at your jokes and smiling as you tease me.
i wish i was making that passionate and intimate eye contact.
but you're gone..
you have someone else.
that's why i'm out of the picture.
ALAALA SA PUNONG MANGGA
Habang ika'y nakadungaw sa akin.
Titig na titig ako sa iyong mukha
Mata sa mata
Kaluluwa sa kaluluwa.
Naalala ko ng isang araw
nagising nalang akong sa iyong bisig
Yakap mo ako
Alagang alaga na parang isang batang sanggol,
At doon ko nalamang mahal mo ako.
Ngunit bakit biglang nag iba ang ihip ng hangin?
Bumuka at nagdabog ang langit.
Bumaha at tumangis ang kalangitan.
At muling nagtapos ang isang magandang nobela.
Isang buwan mahigit.
Pinagtagpo ulit tayo ng tadhana.
Tandang tanda ko pa.
Dito tayo unang nagkita
Dito tayo nagsama buong araw.
Sa plaza, oo, doon sa ilalim ng punong mangga.
Dito rin kita nakitang may kasamang iba.
Pero iba na ang sitwasyon ngayon/
Wala na yung tayo.
Wala ang iisa tayo.
Dahil sa panahon ngayon,
iba na ang ikaw at ako.
PERSTAYM
Dear Mr. Stranger
Naaalala ko pa nga na naka suot ka sa mga oras na iyon ng itim na t-shirt at ang iyong pinaglumaang maong na kasyang kasya lang sayo at bagay na bagay sa iyo. Tumatakbo ka nun sa ulan papunta sa student lobby ng aming building habang bitbit mo sa iyong balikat ang maliit mong Jansport Bag na kulay green.
Namula ako ng makita kita dahil matagal na kitang crush. Matagal-tagal ko na ring tinatago at nagpapantasya sa makinis at maputi mong balat, inosenteng mga mata, kulay pink na mga labi, ang iyong matangkad na height, ang iyong smile at ang iyong braces.
Hindi ko ba alam pero you look good with those braces, hindi siya ka-weirduhan sa akin. Actually, i love those braces.
Pero it all started talaga because you and i is a member of a community. a religious community but you don't make pansin to me. I was also shy to approach you because you look so mataray and not that friendly. You are the silent type and you only bond with your group mates [which is composed of three person; your leader and two members including you]. I asked for your name, searched the log book and find your number on the phonebook of a common friend but i can't seem to find any contact of you.
I continue searching and until your leader was curious and asked me why i am so much intrigued with you, and the only thing i remembered, i started to blush.
He gave me your number which i bargain for an order of spaghetti in the canteen and then i reason out that i needed your number for future preferences.
From that time on, i texted you but you never replied on my text. Your phone is ringing but you don't answer it. I just said to myself that who would entertain or make "pansin" a person like me. And then, things change. I transfered your number in my ordinary list and deleted you on my special list. I often send your messages which i also send to other people in the ordinary list and most of the time, i dont.
Days passed. Month ends. And another year was over but ididn't receive any reply or text from you. Even a single hi or hello. You must be suplado or something pero kahit ganun, crush pari kita.
Good night Stranger. :) <3
my hometown in B & W
definitely, "waray" ako dahil taga Northern Samar ako...
at dahil minsa walang magawa..
sinasalat ko ang sariwang hangin dito sa aming probinsya..
MAGULANG
Sabado na naman pala at free time ko.
pero maraming nakatambak na trabaho ang naghihintay sa akin paglabas ko sa kwarto kong ito.
pero wait, before ako lumabas ng aking kwarto napagdesisyunan kong buksan ang aking laptop at mag halukay ng files at mag iternet na rin..
di ko namalayang online pala ang aking tatay na nasa macau ngayon..
kaya ayun, nkipag chat ako dahil day off nya hanggang bukas.
at mas lalo ko lang na miss ang aking ama...
cge.. hanggang sa susunod!
BEEN GONE FOR TOO LONG..
my laptop broke, the keyboard of this f***ing computer don't work properly and i've been busy lately.
my january was full of exhaustion.
MIDTERMS + STUDENT ELECTION + SCHOOL PAPER + OTHER SCHOOL STUFF..
oh, i forgot..
i did go to TACLOBAN City and participated the Annual Regional Convention in Palo, Leyte.
it's been so long...
my travel is so ruined..
[x] camera
[x] laptop
[x] money
[x] companion
so better stay here at home!!
FERRY BOAT RIDE
TAMA!!
NUNG ISANG ARAW.. KARARATING KO LANG FROM LAGUNA...
i attended my 2nd niece's baptism at St. Therese the Child Jesus parish in UPLB..
hehehe...
i have no picture.. sad.. :(
kasi i still don't have a camera..
sa phone lang ang litratong ito..
Next time.. marami raming picture na ang ipopost ko..
:D
Byaheng nkakainis
eto ang ayaw ko sa pagta'travel via jeepney dito sa Samar.
Nakakainis rin kaya ang feeling na para kang sardinas na walang ulo na isinisiksik sa maliit na lata.
HUMINTO NA NAMAN!!
nakakainis rin ang biglang liko kaya matutumba ka (kahit nkaupo k) sa kinauupuan mo. yung feeling na lahat ng extra motions ng katawan mo ay itinulutak into that direction. Kumusta naman yun?
Basta, nkaka inis magtravel ng ganito. Chance passenger. Ikaw yung sa gitna nakaupo na parang naubusan ng upuan sa larong Trip to jerusalem. In short, loser ka.
At nariyan din ang, ayun lumundag ak jeep, mga sira at buhang na kalsada. Sa bilis ng takbo ng jeep, pag dito dumaan, sure maalikabok, parang rabbit na palundag lundag at garagal. Nakakairita kaya. kung pwede lang sanang lumipad, edi nag ala superman ako or di kaya isang manananggal nlang (keri mo yun? Carey nga ni Mariah, kaw pa kaya) hahaha... basta. nakakainis. Medyo masakit na ang ulo ko. medyo nahihilo na ako kaya, joy ride lang.. go!




























