Siguro sa simula ay parang laro lang ang lahat ngunit unti-unti nang nahulog ang puso ko sa iyo. Pala tawa ka kasi at napakabait mo pa. Gusto ko rin ang pagka-inosente mo sa mundo dahil parang kahit simpleng bagay lang ay nagiging masaya tayo. Palabiro ka rin. Natatandaan ko pa nga na palagi mo akong inaasar dahil mataba ako o malaki ako. Sabi mo "double" o dalawa ang count ko sa tuwing bilangan kung iilan ang kailangan o iilang slots. Tinawanan ko lang ang mga iyon dahil sana'y na ako sa mga ganoong biro. Di ko na lang pinapatulan dahil alam kong wala rin namang patutunguhan.
Yun na nga, para sa akin, naging sweet ka. Oo, naging maayos ang pakikitungo mo sa akin. Nakakatawang isipin na naging asuuming ako sa lahat ng pagkakataon. Na sa tingin ko ay mali. Oo, mali na isipin kong ganun, na merong patutunguhan ang lahat.
Alam ko naman na sa simula pa lamang ay mas papaburan mo ang babae kesa naman sa akin. Bakla na nga, mataba pa tapos panget. Alam ko kasi na sa huli, babae pa rin ang hahanap-hanapin mo. Tama rin naman kasi ang ganoon kasi lalaki ka. Ako naman talaga ang mali.
Siguro masyado lang akong naapektuhan. Siguro masyado lang din ako nag assume at nag-expect.
Sabi ko nga noon sa isang text message ko sa yo na "Alam kong darating ang panahon na mahahanap mo ang para sa iyo, pero ngayon na wala pa, pwede ako muna?" ngunit wala kang sinagot.
Nagpumilit pa rin ako ngunit wala eh, siguro hanggang kaibigan na lang talaga ang turing mo sa akin. Hindi na maglelevel-up ang lahat lahat.
Kaya nga sinubukan kong kalimutan ka.
Isang gabi anim na taon na ang nakakaraan, napagkasunduan namin ng dalawang ko pang kaibigan na mag-away away dahil sayo. Ang tanga ko noh? Nakakatawa dahil parang kaming baliw. Nahiya ako sa sarili ko dahil sa mga pinag-gagagawa namin. Alam kong nag-alala ka noong mga panahong iyon at doon rin anman nagkagulo ang lahat o di kaya'y kami lang ang nanggulo.
It was not really part of the plan. siguro kaya may nadadag rin sa inyo o sila na ang kasa-kasama ninyo at kaming tatlo ay naiwan. (This is my side of the story kaya walang kokontra.) Feeling ko kasi na na-leleft behind kami dahil na rin siguro dahil naging irregular ang status namin.
Noong mga panahong iyon sabi ko na kakalimutan na talaga kita. Naging okey ang takbo ng "pagmomove-on" ko dahil minsan lang tayo magkita o pag nagkakasalubong ay di na tayo nagpapansinan at kahit sa text ay wala na. Siguro choice mo din yun, Saka nga pala, sorry!
Dumaan ang mga araw, nabalitaan ko na lang na nagkaroon ka nga ng girlfriend. Sabi ko na okey lang dahil atleast ngayon masaya ka na. Sabi ko rin naman kasi na wala naman akong grudges na nagka girlfriend siya dahil unang una ay wala akong karapatan at isa pa, wala rin naman siyang paki-alam sa akin. Kaya ayun. Sabi ko sa mga naging matalik kong kaibigan na wag nalang i-brought up yung topic baka kung anu lang ang mangyari. Sinabi ko yun in a manner of a joke pero sa totoo lang masakit. Pero unti-unti ko namang kinalimutan ang lahat. Kahit unti-unti ay nakapag move on ako.
Bakit kasi pinapa-complicate ko yung mga bagay-bagay. Kung sinabi ko noong i love you, mag i love you too kaya? Ay teka, sinabi ko kaya yan noon. Pero ang sagot mo lang ay "Salamat".
Ganun ba yun talaga? Nagiging tanga pag na in-love? Wait, na-inlove nga ba ako? (i'm hindering myself ulit)
Maibalik ko lang, matapos ang ilang taon na hindi pagpansinan o pagsama sa mga lakad o gimik, naging okey ako. Nawala ka na sa isip ko. Kaya naman naging mapanatag ang loob ko. Ngunit nitong mga nakaraang araw, Nung magkrus ang landas natin ulit sa di inaasahang pagkakataon. Naging close ulit tayo. Nag-usap kahit na medyo awkward at nakitawa sa mga biro ng kasama natin. (Actually, di ko expected na ganoon ang mangyayari dahil noong panahon na trina-try kong i-text ka o i-chat sa FB ay wala kang response, Alam mo bang nakaka-sad ang ganun, palagi nalang left behind.) Kaya naman natawa ako sa nangyari ngunit di na ako umaasa. Ang dami kayang babae at bakla ang umaali-aligid sayo at may lakas sila na landiin ka.
Ay wait, may ikwe-kwento pa ako, ayun, nung magkita tayo ay nanghina ako. Oo, nanghina ang mga tuhod ko dahil finally, nag smile ka sakin which is bizarre at that moment. Kinabahan akong muli. Naalala ko ang mga panahon na matalik pa tayong magkaibigan. Yung mga masasayang alaala na alam ko para sa iyo ay wala lang. Kaya naman narealize ko na palagi nalang 1-way ang pag-ibig ko. Mag-isa lang akong umiibig. Walang reply o feedback. Pero, alam mo, okey lang.
Ginusto ko kasi yun. Choice ko yun. Wala akong dapat na pagsisihan sa desisyon kong ibigin ka. Tatanga-tanga kasi ako, Mahina. at higit sa lahat, walang bilib sa sarili.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento