Ipinapakita ang mga post na may etiketa na likha. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na likha. Ipakita ang lahat ng mga post

Simbolo at buhay

Muli't muli,
ang buhay ay puno ng himutok.
puno ng mabababaw na salita
at mga parirala.
Minsa'y may umuusbong na mga kataga,
Minsan naman ay mga salitang may kakaibang kahulugan.
ngunit paano nga ba tutuldukan ang buhay
kung puno pa ito ng mga tandang pananong.
puno pa ng mga katanungang magpapa isip sayo kung anu nga ba ang saysay ng buhay.
kung anu ba ang kwentong nais nitong ipahiwatig.
ang katanungang nais nitong sagutin.
ang mga bagong ideyang madidiskubre
at mga alaalang nais kalimutan.
tama nga sila.
ang buhay ay isang misteryo.
di mo malalaman kung kelan tutuldukan
ang kwento ng buhay mo.

KATHA ni AZURE

Hindi sa lahat oras negatibo ang salitang PRIDE.
Minsan kasi,
ito yung panahong marunong ka nang
maawa sa sarili mo.

-----------------------------------------------------------------------
Kung sa tingin mo ay lagi ka nalang hinahabol
ng mga problema sa buong buhay mo
Ipikit mo nalang ang mga mata mo
para hindi ka nito maabutan.

-------------------------------------------------
Wag mong problemahin yung mga taong nagbubulag-bulagan
Dahil ang tunay na kaibigan,
kahit nakatalikod ka,
kakausapin ka parin ng harapan.

-----------------------------------------------------------------
Kung hindi ka na-inspire sa mga kwentong nabasa o napanood mo.
o natawa sa mga jokes na narinig mo
Wag kang magtaka
Dahil ang mga ito
ay palatandaan lamang 
na ang mga bagay na ito ay hindi para sayo.

-------------------------------------------------------------------
Kung sa tingin mo isa ka 
sa pinaka malas na taong nabubuhay sa mundo.
tanggapin mo nalangpero wag mong panindigan.


(c)Azure - Cornicomix



ALAALA SA PUNONG MANGGA

Muling tumindig ang aking diwa
Habang ika'y nakadungaw sa akin.
Titig na titig ako sa iyong mukha
Mata sa mata
Kaluluwa sa kaluluwa.

Naalala ko ng isang araw
nagising nalang akong sa iyong bisig
Yakap mo ako
Alagang alaga na parang isang batang sanggol,
At doon ko nalamang mahal mo ako.

Ngunit bakit biglang nag iba ang ihip ng hangin?
Bumuka at nagdabog ang langit.
Bumaha at tumangis ang kalangitan.
At muling nagtapos ang isang magandang nobela.

Isang buwan mahigit.
Pinagtagpo ulit tayo ng tadhana.
Tandang tanda ko pa.
Dito tayo unang nagkita
Dito tayo nagsama buong araw.
Sa plaza, oo, doon sa ilalim ng punong mangga.
Dito rin kita nakitang may kasamang iba.

Pero iba na ang sitwasyon ngayon/
Wala na yung tayo.
Wala ang iisa tayo.
Dahil sa panahon ngayon,
iba na ang ikaw at ako.


Kali'aw sa night!


i still gaze at the stars,
At this time..
I can't sleep..

Gising na gising ang diwa ko kaya ako ay nag drawing..




di naman talaga ako pala-drawing..
pagnabagot kasi ako..
ang daming bagay na pumapasok sa utak ko..
hehehehe..... 

LOVINGLY YOURS,
^^, GUD EVE!!

Nawawalang Likha

Nag iisang cotton tree sa amin.
Napaka ganda kung susuriin.
Napakahirap linisin ng mga iniwang bakas.
Walang hangganan ang paglikha
Lahat ay nakapaloob sa isang bilog na bagay.
Walang katapusan,
Dahil sa paglikha,
Walang ikaw at ako,
Wala tayo.
Walang away at walang pagbabati
Walang katahimikan, wala ring ingay.
Walang inggitan at wala rin bigayan.
Isang marikit na mundo,
Ngunit unti unti nang nasusupil
Unti unti nang nawawala.
Parang isang abo na hinipan ng hangin.
Parang isang bula na bigla bigla nalang mawawala.
Isang mundong dati ay puno ng kulay,
Puno ng masasayang alala na mistulang paru parong nagsiliparan
Puno ng mahihiwagang halakhak na hindi matapos tapos.
Isang nawawalang mundo.
Isang paraisong naging abo.
Isang alamat.
Isang buhay na minsang naging masaya
At ngayon at nababalot na ng sakit at pagdurusa.
Isang ibong dati ay malaya.
Isang himig.
Isang mundong di makakalimutan kailanman.