Nawawalang Likha

Nag iisang cotton tree sa amin.
Napaka ganda kung susuriin.
Napakahirap linisin ng mga iniwang bakas.
Walang hangganan ang paglikha
Lahat ay nakapaloob sa isang bilog na bagay.
Walang katapusan,
Dahil sa paglikha,
Walang ikaw at ako,
Wala tayo.
Walang away at walang pagbabati
Walang katahimikan, wala ring ingay.
Walang inggitan at wala rin bigayan.
Isang marikit na mundo,
Ngunit unti unti nang nasusupil
Unti unti nang nawawala.
Parang isang abo na hinipan ng hangin.
Parang isang bula na bigla bigla nalang mawawala.
Isang mundong dati ay puno ng kulay,
Puno ng masasayang alala na mistulang paru parong nagsiliparan
Puno ng mahihiwagang halakhak na hindi matapos tapos.
Isang nawawalang mundo.
Isang paraisong naging abo.
Isang alamat.
Isang buhay na minsang naging masaya
At ngayon at nababalot na ng sakit at pagdurusa.
Isang ibong dati ay malaya.
Isang himig.
Isang mundong di makakalimutan kailanman.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento