Siguro may mga taong pang supporting actor o actress lang ang peg at kailanman ay hindi naging bida sa sarili niyang pelikula. Yung tipong pang best in supporting actor o actress lang ang peg ng beauty mo. Yung hindi ka napapansin at parang isang magandang wallflower lang. Flower nga pero pang wall lang.
Nakakababa ng self-esteem anu? Ganoon ang naiisip ko ngayon. Parang lahat ng bagay sa universe ay nag-conspire para supportahan mo ang ibang tao sa mga ginagawa nila. Di ka pansinin ng tao at madaling makalimutan. Feel ko ganoon ako. Oo, minsan, mas okey na ang ganun kesa naman sa sentro ka sa lahat ng problema sayo. Pero minsan rin naman, nakakalungkot na dahil kahit todo effort ka para mapuri naman kahit minsan ay wala ka pa ring ka-amor amor sa kanila. Yung parang tinatawag ka lang ng direktor kung kailangan ng bida ng suporta o kung kinakawawa na ang bida.
Minsan nga, may kasiyahan, di ako invited tas halos lahat ng kakilala ko ay noroon. O di kaya naman ay nahuhuli ka sa mga nangyayari dahil di ka kasali sa group na kung saan palagi silang nag-GGM. At minsan ay hindi ka talaga tinetext. Nakakaligtaan ka dahil daw ang bnoring mong kasama.
Nakaka-awa? Oo. nagse-self pity ako. Siguro naman di lang ako ang nakaka-feel ng ganito. Okey fine. Kahit pang supporting actor/actress lang ako dahil di ako ganoon ka-attractive o nag-uumapaw ang personality, Alam ko na di mapapansin ang bida kung walang supporting actor o actress sa tabi.
And that's it, Ladies and Gentlemen,
For that, i rest my case.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento