Wala

Wala talaga akong ka amor amor sa love. Marami na akong inibig pero hindi naman ako ang laman ng puso nila. Nakakatawa nga minsan na mag-isa akong nadra-drama sa bahay dahil wala naman lagi ang mga magulang ko at nasa syudad naman ang aking mga kapatid. Pagtinatanong nga akong ng mga kaibigan kong minsa'y nagagawi sa bahay na kung hindi raw ba ako nalulugkot mag-isa, ang sinasabi ko nalang ay nasasanay na ako. Pero mahirap ang mag-isa. Nakakalungkot. Nakakabingi ang katahimikan kaya mas gusto ko ang lumabas ng bahay at maglakad-lakad o magliwaliw.
Oo, hindi ako broken hearted o kung anu, mag-isa lang talaga ako kaya nagdra-drama ako dito. Naalala kong may blog pa pala ako. Naiwan ko ito ng ilang buwan dahil sa dami ng pinagagawa ng aming major subject at panay quiz at exam. Nakakapagod. Nakakapatay ng brain cells at higit sa lahat, nadadagdagan ang eyebags ko. Sabi nila eye-luggage na raw pero okey lang sa akin, pinaghirapan ko ito, pinagpuyatan ko yan. Kaso ang bottomline ay wala pa rin akong lovelife, Natawa nga ako ng tanungin ako ng kaklase ko nung Biyernes. Tinanong niya ako kung anu raw ang birthday wish ko, Tas sabi ko na sana magkaboyfriend ako.. Tumawa siya at sabi na hindi raw yun matutupad. aAng harsh noh? Pero tinawanan ko lang yun. Pero napag-isip isip koo kung bakit walang nagkakagusto sa akin. Malas talaga ako sa love. Linolomko lang ako o di kaya nama'y pinapaasa. Ako naman si marupok at palaging nag aassume, ayun palaging talo. Napag-isip isip ko nga na kalimutan na lang pero pag may nakikita akong couple, lalo na pag pareho ang gender,  naiingit ako o di kaya ay nakakabasa ng mga stories about their lovelife, ayun, mas naiingit ako. Palabasa kasi ako ng mga ganung stories. Hahaha... Hopeless Romantic raw... Pero okey lang atleast nailabas ko na. At least, naibanan na ang dinadala ko at bahala na kayong mag digest ng mga pinagsasabi ko.
Sa totoo lang, gusto ko talagang magblog kaso minsan walang ideyang dumarating sa aking utak, naba-blanko ako o di kaya'y may nasisimulan ngunit di natatapos o napapagod kaya hindi natatapos o wala lang talagang maidugtong. Kagaya ng post na ito, walang katuturan, basta ang sabi ko sa sarili ko na magsusulat ako. Wala naman akong paki-alam kung maraming makakabasa nito o ako lang, atleast may remembrance ako na sa araw na ito, walang katuturan ang nasa loob ng utak ko. Mas pinili kong magsulat ng post na ito kesa ang matulog dahil ang pagkaka-alam ko may insomia na ako. Opo, may insomia ako, di ako makatulog, Patuloy na tumatakbo ang utak kko kahit pinipikit ko na ang aking mga mata. Ang hirap kaya, di na ako dinadalaw ng antok at kahit na nakahiga na ako sa kama ay ang dami-rami ko pa ring iniisip. Iniisip ko lahat ng problema ko, frustrations, disappointments at lahat ng bagay. Sabi nila kaya numinipis ang aking buhook dahil stressed raw ako, ang rami ko raw iniisip. Ang dami ko raw inaalala at parang ayoko raw magpahinga pero ang totoo, gusto ko talaga. Hays, isa pa, Ang dami ng taong nagcri-criticize sayo, parang ang peperpekto nila pero pinapabayaan ang mga ganun, dapat you live your llife as you want, ..
Hay sinabi ko ba yun? Naku, Nag-advise ako na hindi ko naman sinusunod. Oo, ganun ako. Palabigay ng advise, tas ang buhay ko pala, wasak. Hay naku, napaka-ironic ng buhay. Tsk Tsk.
At dito na nagsimula ang aking writer's block.
Wala na akong maisip.
kung umabot ka sa puntong ito ng pagbabasa. Maraming masalamat.
Pasensya na kung nabagot kita.,
Salamat!

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento