Ipinapakita ang mga post na may etiketa na tula. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na tula. Ipakita ang lahat ng mga post

Bintana

Naramdaman ko na naman ang init ng haplos
Ang haplos ng hanging nagbabalik ng mga alaala
Ng mga bagay-bagay na minsan ko nang kinalimutan
Dahil nasasaktan ako tuwing na-aalala

Heto na naman ako,
Nakadungaw sa aking bintana
Nasilayan ang ib'at ibang itsura at pigura
Ng mga bagay na ginawa ng Diyos.

Malay ko bang magiging sentimental na naman ako
At habang sinusulat ko ang kathang ito
Ako'y muling nalulumbay
Sa panunumbalik ng mga alaala.

Simbolo at buhay

Muli't muli,
ang buhay ay puno ng himutok.
puno ng mabababaw na salita
at mga parirala.
Minsa'y may umuusbong na mga kataga,
Minsan naman ay mga salitang may kakaibang kahulugan.
ngunit paano nga ba tutuldukan ang buhay
kung puno pa ito ng mga tandang pananong.
puno pa ng mga katanungang magpapa isip sayo kung anu nga ba ang saysay ng buhay.
kung anu ba ang kwentong nais nitong ipahiwatig.
ang katanungang nais nitong sagutin.
ang mga bagong ideyang madidiskubre
at mga alaalang nais kalimutan.
tama nga sila.
ang buhay ay isang misteryo.
di mo malalaman kung kelan tutuldukan
ang kwento ng buhay mo.

Ulirat

Muli kong narinig ang mga yapak ng ulan
sa aming yerong bubungan..
Muli kang namutawi sa aking alaala..
Minumulto parin ako ng iyong mapupungay na mata at lumulha habang namumutawi sa iyong bibig ang mga katagang ayokong marinig.
Tumigil ako.
Huminga ako ng malalim.
Ang bawat halinghingvat byntong hininga ang naririnig sa aking silid.
Natuyo nalang ang mga luhang aking iniyak kagabe
Namuo ang mga patak sa aking paboritong unan
Na naging saksi sa aking paghihinagpis.
Huminga ako.
Ito nalang ang iniwan mong alaala.
Hanggang sa muli nating pagkikita.

Sawing Vandalism

Nakatulala na naman ako kanina
Habang nagsasalita ang aming guro sa harap
Malayo ang iniisip
Na parang wala sa kinauupuan ko.

Nakakagimbal.
ngunit bigla akong tinapik ng katabi ko.
Nakangisi raw ako na parang baliw.
At bigla niyang napansin
Tinuro ang aking armchair.
Ang pangalang naka-vandal ang kanyang tinutukoy.

Tiningnan kong mabuti.
Hugis puso gamit ang itim na marker,
Dalawang pangalan.
Ang nasa taas ay ang sa dati kong iniibig
at ang isa nama'y di ko kilala.

Bigla lang akong nataranta
Ngunit nagkibit balikat lang ako.
Bigla kong naalala
ang biglaang halik sa aking pisngi
matamis ngunit may bahid ng pait
Wala akong nagawa
Kaya't humagulgol ang kalangitan
Tamang-tama sa aking nararamdaman.

ALAALA SA PUNONG MANGGA

Muling tumindig ang aking diwa
Habang ika'y nakadungaw sa akin.
Titig na titig ako sa iyong mukha
Mata sa mata
Kaluluwa sa kaluluwa.

Naalala ko ng isang araw
nagising nalang akong sa iyong bisig
Yakap mo ako
Alagang alaga na parang isang batang sanggol,
At doon ko nalamang mahal mo ako.

Ngunit bakit biglang nag iba ang ihip ng hangin?
Bumuka at nagdabog ang langit.
Bumaha at tumangis ang kalangitan.
At muling nagtapos ang isang magandang nobela.

Isang buwan mahigit.
Pinagtagpo ulit tayo ng tadhana.
Tandang tanda ko pa.
Dito tayo unang nagkita
Dito tayo nagsama buong araw.
Sa plaza, oo, doon sa ilalim ng punong mangga.
Dito rin kita nakitang may kasamang iba.

Pero iba na ang sitwasyon ngayon/
Wala na yung tayo.
Wala ang iisa tayo.
Dahil sa panahon ngayon,
iba na ang ikaw at ako.


PERSTAYM

Naalimpungatan nalang ako isang umaga
Ito ang tamang panahon.
Malamig at makulimlim.
Senyales na mamaya tatangis na naman ang langit.

Kinuha ko ang pulang payong 
sa may malaking plurera 
malapit sa lalagyan ng mga sapatos.
At nakita ko ang isang pirasong tsinelas
na naging saksi ng makamundong tagpo sa aking silid.

Sinariwa ko ang nangyari,
Nangusap ang ating mga labi,
Buntong hininga ang aking sagot.
ngunit ang hangos mo ang pumakawala sa ating saplot.

Halos lakbayin ng iyong pandama
ang ilang bundok at gubat,
maging ilog at dagat pa.
isa, dalawa at libo pa,
sabay sa ritmo ang indayog
hanggang sa huli'y
alam kong magkakalas tayo.

RATED SPG...
:P

Nawawalang Likha

Nag iisang cotton tree sa amin.
Napaka ganda kung susuriin.
Napakahirap linisin ng mga iniwang bakas.
Walang hangganan ang paglikha
Lahat ay nakapaloob sa isang bilog na bagay.
Walang katapusan,
Dahil sa paglikha,
Walang ikaw at ako,
Wala tayo.
Walang away at walang pagbabati
Walang katahimikan, wala ring ingay.
Walang inggitan at wala rin bigayan.
Isang marikit na mundo,
Ngunit unti unti nang nasusupil
Unti unti nang nawawala.
Parang isang abo na hinipan ng hangin.
Parang isang bula na bigla bigla nalang mawawala.
Isang mundong dati ay puno ng kulay,
Puno ng masasayang alala na mistulang paru parong nagsiliparan
Puno ng mahihiwagang halakhak na hindi matapos tapos.
Isang nawawalang mundo.
Isang paraisong naging abo.
Isang alamat.
Isang buhay na minsang naging masaya
At ngayon at nababalot na ng sakit at pagdurusa.
Isang ibong dati ay malaya.
Isang himig.
Isang mundong di makakalimutan kailanman.