ALAALA SA PUNONG MANGGA

Muling tumindig ang aking diwa
Habang ika'y nakadungaw sa akin.
Titig na titig ako sa iyong mukha
Mata sa mata
Kaluluwa sa kaluluwa.

Naalala ko ng isang araw
nagising nalang akong sa iyong bisig
Yakap mo ako
Alagang alaga na parang isang batang sanggol,
At doon ko nalamang mahal mo ako.

Ngunit bakit biglang nag iba ang ihip ng hangin?
Bumuka at nagdabog ang langit.
Bumaha at tumangis ang kalangitan.
At muling nagtapos ang isang magandang nobela.

Isang buwan mahigit.
Pinagtagpo ulit tayo ng tadhana.
Tandang tanda ko pa.
Dito tayo unang nagkita
Dito tayo nagsama buong araw.
Sa plaza, oo, doon sa ilalim ng punong mangga.
Dito rin kita nakitang may kasamang iba.

Pero iba na ang sitwasyon ngayon/
Wala na yung tayo.
Wala ang iisa tayo.
Dahil sa panahon ngayon,
iba na ang ikaw at ako.


1 komento:

  1. naalala ko yung mga old filipino movies... yung maguukit ng mga names sa puno ng mangga ganyan.. tapos kokortehan ng heart na may pana...
    :)

    TumugonBurahin