Ipinapakita ang mga post na may etiketa na drama. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na drama. Ipakita ang lahat ng mga post

For someone i love who doesn't love me back!

Alam ko na alam mo sa simula pa lamang ay may paghanga na ako sa iyo.

Siguro sa simula ay parang laro lang ang lahat ngunit unti-unti nang nahulog ang puso ko sa iyo. Pala tawa ka kasi at napakabait mo pa. Gusto ko rin ang pagka-inosente mo sa mundo dahil parang kahit simpleng bagay lang ay nagiging masaya tayo. Palabiro ka rin. Natatandaan ko pa nga na palagi mo akong inaasar dahil mataba ako o malaki ako. Sabi mo "double" o dalawa ang count ko sa tuwing bilangan kung iilan ang kailangan o iilang slots. Tinawanan ko lang ang mga iyon dahil sana'y na ako sa mga ganoong biro. Di ko na lang pinapatulan dahil alam kong wala rin namang patutunguhan. 

Yun na nga, para sa akin, naging sweet ka. Oo, naging maayos ang pakikitungo mo sa akin. Nakakatawang isipin na naging asuuming ako sa lahat ng pagkakataon. Na sa tingin ko ay mali. Oo, mali na isipin kong ganun, na merong patutunguhan ang lahat. 

Alam ko naman na sa simula pa lamang ay mas papaburan mo ang babae kesa naman sa akin. Bakla na nga, mataba pa tapos panget. Alam ko kasi na sa huli, babae pa rin ang hahanap-hanapin mo. Tama rin naman kasi ang ganoon kasi lalaki ka. Ako naman talaga ang mali. 

Siguro masyado lang akong naapektuhan. Siguro masyado lang din ako nag assume at nag-expect.

Sabi ko nga noon sa isang text message ko sa yo na "Alam kong darating ang panahon na mahahanap mo ang para sa iyo, pero ngayon na wala pa, pwede ako muna?" ngunit wala kang sinagot.

Nagpumilit pa rin ako ngunit wala eh, siguro hanggang kaibigan na lang talaga ang turing mo sa akin. Hindi na maglelevel-up ang lahat lahat. 

 Kaya nga sinubukan kong kalimutan ka.

Isang gabi anim na taon na ang nakakaraan, napagkasunduan namin ng dalawang ko pang kaibigan na mag-away away dahil sayo. Ang tanga ko noh? Nakakatawa dahil parang kaming baliw. Nahiya ako sa sarili ko dahil sa mga pinag-gagagawa namin. Alam kong nag-alala ka noong mga panahong iyon at doon rin anman nagkagulo ang lahat o di kaya'y kami lang ang nanggulo.

It was not really part of the plan. siguro kaya may nadadag rin sa inyo o sila na ang kasa-kasama ninyo at kaming tatlo ay naiwan. (This is my side of the story kaya walang kokontra.) Feeling ko kasi na na-leleft behind kami dahil na rin siguro dahil naging irregular ang status namin.

Noong mga panahong iyon sabi ko na kakalimutan na talaga kita. Naging okey ang takbo ng "pagmomove-on" ko dahil minsan lang tayo magkita o pag nagkakasalubong ay di na tayo nagpapansinan at kahit sa text ay wala na. Siguro choice mo din yun, Saka nga pala, sorry! 

Dumaan ang mga araw, nabalitaan ko na lang na nagkaroon ka nga ng girlfriend. Sabi ko na okey lang dahil atleast ngayon masaya ka na. Sabi ko rin naman kasi na wala naman akong grudges na nagka girlfriend siya dahil unang una ay wala akong karapatan at isa pa, wala rin naman siyang paki-alam sa akin. Kaya ayun. Sabi ko sa mga naging matalik kong kaibigan na wag nalang i-brought up yung topic baka kung anu lang ang mangyari. Sinabi ko yun in a manner of a joke pero sa totoo lang masakit. Pero unti-unti ko namang kinalimutan ang lahat. Kahit unti-unti ay nakapag move on ako.

Bakit kasi pinapa-complicate ko yung mga bagay-bagay. Kung sinabi ko noong i love you, mag i love you too kaya? Ay teka, sinabi ko kaya yan noon. Pero ang sagot mo lang ay "Salamat".

Ganun ba yun talaga? Nagiging tanga pag na in-love? Wait, na-inlove nga ba ako? (i'm hindering myself ulit) 

Maibalik ko lang, matapos ang ilang taon na hindi pagpansinan o pagsama sa mga lakad o gimik, naging okey ako. Nawala ka na sa isip ko. Kaya naman naging mapanatag ang loob ko. Ngunit nitong mga nakaraang araw,  Nung magkrus ang landas natin ulit sa di inaasahang pagkakataon. Naging close ulit tayo. Nag-usap kahit na medyo awkward at nakitawa sa mga biro ng kasama natin. (Actually, di ko expected na ganoon ang mangyayari dahil noong panahon na trina-try kong i-text ka o i-chat sa FB ay wala kang response, Alam mo bang nakaka-sad ang ganun, palagi nalang left behind.) Kaya naman natawa ako sa nangyari ngunit di na ako umaasa. Ang dami kayang babae at bakla ang umaali-aligid sayo at may lakas sila na landiin ka. 

Ay wait, may ikwe-kwento pa ako, ayun, nung magkita tayo ay nanghina ako. Oo, nanghina ang mga tuhod ko dahil finally, nag smile ka sakin which is bizarre at that moment. Kinabahan akong muli. Naalala ko ang mga panahon na matalik pa tayong magkaibigan. Yung mga masasayang alaala na alam ko para sa iyo ay wala lang. Kaya naman narealize ko na palagi nalang 1-way ang pag-ibig ko. Mag-isa lang akong umiibig. Walang reply o feedback. Pero, alam mo, okey lang. 
Ginusto ko kasi yun. Choice ko yun. Wala akong dapat na pagsisihan sa desisyon kong ibigin ka. Tatanga-tanga kasi ako, Mahina. at higit sa lahat, walang bilib sa sarili.  

Bintana

Naramdaman ko na naman ang init ng haplos
Ang haplos ng hanging nagbabalik ng mga alaala
Ng mga bagay-bagay na minsan ko nang kinalimutan
Dahil nasasaktan ako tuwing na-aalala

Heto na naman ako,
Nakadungaw sa aking bintana
Nasilayan ang ib'at ibang itsura at pigura
Ng mga bagay na ginawa ng Diyos.

Malay ko bang magiging sentimental na naman ako
At habang sinusulat ko ang kathang ito
Ako'y muling nalulumbay
Sa panunumbalik ng mga alaala.

WHAT'S MY NUMBER??

Na-inlove ako habang nanonood ng "what's your number?" kanina kasama mga pinsan ko dahil holiday raw at walang pasok. Mas pinagka-interesan ko pa ito kesa gawin ang audit working paper at limpak limpak na assignment ko sa auditing problems.
Tama. Accountacy student ako. wait. let me re-phrase that, naghihikahos at pagod na pagod na accountacy student ako. Napaka komplikado kaya ng accountacy. kung sino man ang magsabing madali at sisiw and course na ito ay isang henyo. Kaya nga ata na-uso na ang term na "HAGGARDO VERSOZA" sa amin dahil kakaunti at mabibilang mo lang ang fresh (well except sa first year dahil wala pa naman silang major major.. i mean problems.. hahaha)

Mabalik ako. 
Di ko alam kung bakit nagustuhan ko ang movie na ito. Siguro dahil excitingly funny at cute ang storyline at phasing ng story at crush ko si "Chris Evans". hahaha.
Nagustuhan ko rin ang quotable quote nilang..

"Being in love means being yourself..
and I'm happiest when I'm being myself 
and I'm myself when I'm with you"

Kaya ganun na siguro ang magiging pamantayan ko sa love. Ang pagiging totoo. Kailangang mahalin niya ako kung anu at sino ako at wala dapat akong baguhin sa sarili ko para mahalin ng isang tao.

Kaya kung magmamahal kayo. Uliting basahin ang quote sa taas.. baka may maitulong hehehe ♥♥♥

PAGDRADRAMA'T PAGBABALIK

Ilang buwan na akong namamalagi sa mga networking sites at sa blogger ngunit di parin ako well oriented sa pamamaraan, pamamahala at pakikipagsapalaran sa cyberworld. Naging matamlay nga naman ang aking blog dahil sa sunod-sunod na kamalasang nangyari. Nasira ang laptop, na-busy sa eskwelahan at sa kung anu-ano pang ka-eklahan sa buhay. Ngunit di parin maiwawaglit at di parin ma-alis alis sa isip ko ang aking gustong gawin - Ang magsulat at kumuha ng litrato. Sabihin man ng iba na di ako magaling sa larangang gusto ko, ang sa akin lang ay ang maibahagi kung anu ang nasa isip at mga eksperyensya sa buhay.

Bahala na siguro.

Kahit iilan lang ang follower ko sa blog na ito, okey lang yun basta lang ma-express ko lang ang kung anu ang nasasa-loob ko. Ganun naman ata talaga ang mga manunulat. Masyadong sentimental. Kaya naman natatawa nalang ako.

May mga pagkakataon rin namang gusto mong magsulat ngunit walang pumapasok na ideya sa iyong ulo. Para bang name-mental block ka at di mo na alam ang isasagot sa iyong pagsusulit. Kaya tuloy wala kang mailagay na maganda sa blog mo.

May mga pagkakataon ring namang may ideya kang naiisip ngunit parang lahat ng bagay ay nagiging kontrabida. Ayaw ng panahon at ng mga tala na makapagsulat ka. At syempre kasama na doon ang mga pagkakataong nababagot ka. Perwisyo talaga yung mga ganung eksena.

Kaya naman nawala na ako sa mundo ng teknolohiya.

Hahahaha..
Anung konek ng pinagsasabi ko kanina? Pwes, bahala ka nang ikonekta iyon. Maghanap ka ng ladder o di kaya nama'y tali para maidugtong ang mga yun.

More of that, marami lang talaga sa pilipino ang ayaw nang magbasa.

agree or agree?

Napansin ko iyon kahit sa mga kaklase ko palang. mas gusto nilang makinig at nood kesa magbasa.
Kahit na ilang ulit mong sabihing mas activated ang nervous system mo sa pagbabasa ay wala pa ring epek.
Nakakalungkot kaya pero that's life!!

It's part of growing up.

At ngayong naayos na ang aking laptop.
Patuloy akong mag-bla-blog. (kahit kakaunti lang ang followers)
PUSH na yan!!!

At hanggang dito muna ang pagdradrama ko sa buhay.
Bow!

Simbolo at buhay

Muli't muli,
ang buhay ay puno ng himutok.
puno ng mabababaw na salita
at mga parirala.
Minsa'y may umuusbong na mga kataga,
Minsan naman ay mga salitang may kakaibang kahulugan.
ngunit paano nga ba tutuldukan ang buhay
kung puno pa ito ng mga tandang pananong.
puno pa ng mga katanungang magpapa isip sayo kung anu nga ba ang saysay ng buhay.
kung anu ba ang kwentong nais nitong ipahiwatig.
ang katanungang nais nitong sagutin.
ang mga bagong ideyang madidiskubre
at mga alaalang nais kalimutan.
tama nga sila.
ang buhay ay isang misteryo.
di mo malalaman kung kelan tutuldukan
ang kwento ng buhay mo.