O my G Pilipinas!!

Bakit nga ba napaka hunghang ng mga tao at ganun nalang bigla ang turn-out ng election?

Ako rin naman ay nabigla sa sa naging resulta. Mistulang isang 6 o 7 years old na mga bata ang bumoto dahil walang kainda-indang binoto ang mas kilalang apelyido kesa doon sa mga taong may kapas sa senado.

Nakakadismaya.

Hayaan ninyo akong magbigay ng kakaunting assesment sa eleksyon sa Pilipinas.

Sa mahigit 50 milyong botante nung ika-13 ng Mayo, ang karamihan ay hindi man lamang nag-aral, hindi sapat ang kaalaman tungkol sa sitwasyong politikal ng bansa at kahit ang mga tumatakbo para sa posisyon na pinili nila ay walang sapat na kaalaman sa paglilingkod at serbisyo sa mamayan.

Ang problemang ito ay resulta ng ating Konstitusyong nagsasabing walang literacy requirement sa mga botante. At kahit ang konstiutusyon ay nagtalaga na sang pwedeng tumakbo sa senado ay marunong magsulat at magbasa, hindi parin requirement ang educational attainment ng mga kakandidato.

Ikumpara natin rito ang "Police Act" ng bansa, nagsasabi itong walang ni-sinumang tao ang itatalagang police kung wala siyang college degree. Pero sa politika, kahit sinong tao pwedeng maging presidente, bise-presidente, senador, o kongressman ng bansa kahit di nakapag kolehiyo basta't nakaka basa't sulat.

Bakit ganito?

Nakakapanlumo...

P.S.
Sa mga nanalong kandidato, kailangan ninyong gawin ng tama ang mga trabaho ninyo. Sayang ang perang ginugugol ng bansa para sa inyo at dahil kayo na ang naka-upo sa pwesto, i-unlad ang pilipinas.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento