Di Pa rin


Narinig kong pauwi ka nga raw. Hindi ko alam kung anung magiging reaction ko sa bagay nay un. Magiging masaya ba ako? Nakakatawang isipin na hanggang ngayon may pagtingin pa rin ako sa’yo. Nakakatawang isipin na hanggang ngayon, hindi pa rin kita nakakalimutan kahit ilang taon na nga ang lumipas. Heto pa rin ako, naghihintay, naghihintay na pansinin mo. Na kausapin at kumustahin, na maalala man lang kahit sa kaunting sandal pero wala eh, wala akong laban dyan sa puso mo dahil hanggang ngayon, kaibigan lang talaga ang turing mo. Kahit nga kaibigan parang hindi dahil sa mga pinag-gagagawa ko sa iyo. Nakakatawa di ba? Para akong baliw. Dahil par sa akin, napaka espesyal ng mga araw na iyo pero sa iyo pala, wala lang. Isang pagkakataon lang. Ayoko namang sumbatan ka dahil wala akong karapatan dahil wala ako sa iyo. Kaibigan mo lang ako.
Masakit. Oo, masakit dahil isang napakalaki kong tanga na naghihintay suklian ang pagmamahal na binibigay ko. Tanga ako hanggang ngayon. Kahit nga ibaling ko ang tingin ko sa iba ay wala pa rin. Kagaya na lang ng pinsan kong hindi pa rin nakaka-move on dahil sa pag-ian sa kanya ng kanyang minamahal na boyfriend. Di ba a least sila, nagkaroon ng chance t nagging magkasintahan. Ako? Nga-nga. Wala, hanggang kaibigan nga lang pero para akong nasukluban dto. Ni-relationship status ko di nag-iba kaya wla talagang patutunguhan ang lahat ng ito.
Sabi ko sa iyo na naka-move on na ako nung mga panahon na di na tayo nagkikita pero bakit nung bumalik ka at nakipagkaibigan ulit, eh parang na-throwback ang lahat. Ang sakit. Na-throwback ang katangahan ko at marami pang iba. Siguro ganito nga dapat. Kasi kakambal ng pagmamahal ang masaktan ka. Kung hindi ka masasaktan, parang hindi ka rin nagmahal.  

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento