Isang araw nga, naglalakad ako sa corridor ng
aming college at akmang may tumawag sa aking cellphone.
“Hello JC”
Hindi ko maaninag ang boses sa kabilang
telepono pero alam kong lalaki ito dahil narin sa baba ng boses kaya nama’y
nagtanong ako.
“Yes, Who’s this po?”
Natagalan bago sumagot.
“its Alfred. Don’t you remember?”
Napatigil ako sa paglalakad at nag-isip-isip.
Ngunit di ko pa rin matandaan kun sino siya.
“Ahm… Kelan tayo nagkakilala? Sorry ha, short
term memory” Sabi ko.
“Ahh.. di mo ako natatandaan? Okey lang.”
“Ako nga yung naka usap mo nung nasa resort
tayo sa Laguna. Sabi mo nga eh sandali ka lang doon dahil babalik ka rin ng
Samar…” Dugtong pa niya.
“Ahh.. sorry!! I’m not good with names eh. Hahaha”
“But I remember you now. Ikaw yung di umiimik
sa gilid…” Sabi ko.
“Yeah. But you saved me. Ikaw yung unang nag
approach… Thank you!”
At biglang namula ang aking pisngi.
“Wala yun!”
Ang daming laman ng utak ko ngunit yun lang
ang nasabi ko.
At
naging tahimik ako pati narin sa kabilang linya. Naririnig ko ang hininga niya
na parang naghihintay ng
tamang tyempo.
At biglang sabay kaming nag sabi ng
“Ahmmm....”
Natawa lang ako.
“May sasabihin ka ba?” Sabi ko. “Meron sana, kaso nahihiya ako.”
Kinabahan ako ngunit ibang klaseng kaba.
“Sus, nahiya ka pa. Anu yun? Sige na. Sabihin
mo na..”
“Eh kasi... kasi...” nauutal niyang sabi.
Hindi naman ako umimik.
“Eh kasi, parang may crush ako dun sa mga
kasama natin nung nasa resort tayo.”
At biglang nagpanic ang utak ko. Nabalisa ako
kahit may mga taong palakad-lakad sa corridor na nilalampasan na ako. Huminga
akong malalim.
“ Ah. Sino dun?”
“Basta, secret muna. Hehehe”
“Si Erika?, Joan? O si May?”
Tumawa lang siya at tumawa nalang rin ako.
Parang plastic nga at pilit ang pagkakatawa ko doon. Pinagtinginan ako ng tao.
Akala siguro nila na nababaliw na ako ngunit patuloy pa rin ako sa
pakikipag-usap.
“Hingi ka ng number no?” Sabi ko.
“Kay Ate Angel ka kaya humingi. Sure ako may
number siya ng mga yun.” Dagdag ko pa.
“Sus, change topic na nga lang. “
“Toinks! Bakit? Ayaw mo na kinakantyawan ka?”
tanong ko sa kanya at tumawa ako.
“Hindi ah. Hindi naman yun importante. Di
naman nila ako papansinin.”
“Asus! Nagdrama ba naman? Oh siya. Tawag ka
nalang mamaya okey? I have a class na eh. I have to go!”
“Okey.” Ang sagot niya.
“Ingat!!”
“Ikaw din...”
At biglang *tot tot tot...
At nagmadali na ako papunta sa classroom ko.
Hindi magka-mayaw sa ingay ang loob ng
classroom. Siguro nga dahil matagal na kaming magkaka-klase dahil nasa block
sectioning kami kaya pare-pareho class code namin.
Umupo ako sa may bandang huli ng room.
Inilapag ko ang bag ko sa upuan at umupo. Inagmamasdan ko ang aking mga
kaklase.
“ang bilis nga naman ng panahon... 5th year na
pala kami. Kala ko di kami aabot sa puntong ito. Katapos ng taong ito,
ga-gradweyt na kami, kaunting push nalang” Sabi ko sa utak ko.
Maingay pa rin ang klase. Wala pa rin ang prof
namin at may kanya-kanya pa rin silang business.
Tumaggal na ng mahigit sa labinlimang minuto.
Ang iba nagsisi-alisan na kaya kinuha ko ang bag ko at umalis.
Nasa bahay na ako ng magtext ka. Sabi mo
tatawag ka mamaya.
Nabigla ako. Anu kayang kailangan ng mokong
ito sa akin. Aminin ko, pumasok sa utak ko na bet niya ako.
Napangiti ako
ngunit binura ko iyon sa aking isipan. Ganun naman sila. “Jhon Michael” daw.
“an-Jhon kung Michaelangan..”
Kaya di na ako umasa. Tumawag man o wala, wala
na akong paki-alam. #bitterAmpy
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento