Kainuman

may nakilala akong tao
ngayong katatapos lang na valentines.
nanood kami ng makulay na programa
kasama ng iba pang kakilala.

Natuwa ako sa bagong kaibigan
Masaya ako na nakilala ko siya.
Ngunit bigla kong napansing may lungkot sa kanyang mga mata
kaya tinanong ko kung anong problema.

Kakaiba talaga ang tagpong iyon.
Hindi nagsimula sa "Hi" at "Hello"
Walang ako si at ilang taon kana?
Walang nakakaumay na mga taong
dahil sa biglaang sumeryoso ang usapan.

Malalim na ang gabi.
Tapos na ang programa
humupa na ang tao sa plaza
at  nang biglang nagkayayaan ang barkada
sa bayan pala ang punta.

Siya at ako sa iisang motorsiklo
Ako ang nagmaneho
Walang imikan.
Hanggang sa sinabi kong nilalamig na ako.

Pagdating sa may gasolinahan
Nagpresenta syang magmaneho ng motorsiklo
Wala na akong nagawa
dahil payag na rin ako.

Nagsimula akong magtanong.
Buntong hininga ang bihirang sagot.
Marami naman akong nalaman sa kanya
Kaya okey pa naman kaming dalawa

Sa sayawan una kaming nagpunta
Ngunit wala nang inumin kaya humanap ng iba.
Natunton ang lugar sa isang kanto
Buti nama'y may maupuan pa
Sa dami ng taong nag iinum at kumakanta.

Di pa natapos ang gabi sa tagpong iyon
Duniretso sa tinutuluyan ng bagong kakilala
Dineretso namin ang gyera,
Alak walang panama.

Tulog na ang lahat
Ako nama'y  gising pa
Tiningnan ko ang maamo niyang mukha
At makisig na pangangatawan.

Bigla akong namula
Hanggang sa pagdating mg umaga
nang mauna akong umuwi habang sila'y tulog pa

Hanggang sa dumampi ang hangin
At naalala ang mga nangyari
At mapagtanto kong hanggang sa huli,
nakalimutan ko paring kunin
ang pangalan at numero nga telepono niya.

P.S.
Sana magkita tayong muli.. :)

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento