Kalaban ko'y bata :(

Biyernes.
Kinse minuto bago matapos ang paghuling klase ko sa araw. Naiset ko na ang aking schedule na gagawin sa Sabado't Linggo. Handa ng sumigaw ng T.G.I.F at have a good rest. Kaya naman tuwang-tuwa ako at palingon-lingon sa aking oras. Patuloy namang gumagalaw ang mas manipis na kamay ng orasan na nagtatalaga ng segundo. Ngumiti lang ako. Di ko na kinibo ang oras dahil alam kong kung hihintayin ko ay mas magtatagal ito. Nakinig ako sa aking propessor at tumunog ang aking telepono. Di naman talaga ito tumunog, nag-vibrate ang aking phone at tiningnan ko ito. Isang kaibigang malapit na lumipat na dahil sa grade requirement policy ng aming school kaya nagtransfer nalang ito dahil di siya naka-abot sa grade requirement. Ang nilalaman ng mensahe "Ui friend, may ak saim chika!!" (Ui friend, may itsi-tsimis ako sayo). At Dahil tsismis, sumagot ako ng "Anes?", Gay linggo ng "Ano?". Di ito nag reply, siguro mahaba ang text message sa tsismis na ipapabot niya.

Natapos na ang oras at di parin nag reply ang kaibigan ko. Pinabayaan ko nalang dahil may mga gagawin pa ako. Naglakad ako pauwi dahil sa kulang ang allowance at para naman lumiit ako (hidden mission). Napa-isip pa rin ako sa sasabihin niya. Ako ang taong sobrang nag-aanalyze ng mga bagay-bagay kaya naisip ko na nabuntis ito, nakipagbalikan sa dating karelasyon, maganda ang nalipatan niya na schhol, o kung maraming gwapo't magaganda doon, Ganung mga bagay ang tumatakbo sa utak ko ng biglang magtext ang kaibigan ko. "Sorry, may ginawa ako, Later nalang ang tsismis". Nadismaya ako. Nadismaya ako dahil excited pa naman ako sa tsismis kahit tsimis lang yun. Minsan naman kasi yung tsismis totoo, kaso maraming alteration, dagdadg bawas lang. Kaya binilisan ko nalang ang lakad hanggang sa matunton ko ang tinitirahan ko. Huminga ng malalim at tinulak ang gate. Dirediretsong kwarto, nagbihis at humiga. Inalala ko na naman ang tsismis. Haay, di ako maka-focus. Dapat magaaral ako ngunit yun ang tumatakbo sa aking isipan. Di ko namalayang nakatulog ako at naalimpungatan ako sa ingay ng sound sa kapitbahay. Tiningnan ko ang aking telepono, may mga text messages ngunit hindi mula sa aking kaibigan. Binasa isa-isa at ang hindi mahalaga ay diretsong burado. nagreply sa importante at nagmuni-muni. Kinuha ko nalang ang aking libro sa auditing at nagbasa. Maya-maya, nakita ko sa aking screen ang 1 message receive na sign. Bukas at siya na nga ang nagreply. Sabi ng text message niya: (translated in Tagalog)

"Hi friend, sorry ngayon nakapagtext kasi nabusy ako sa requirements sa isa kong major. Eto tsismis ko,   Nakabuntis ang boyfriend mo? Ka-boardmate niya ang nabuntis, infact kaharap ng kwarto nila. Di pa ba nasasabi sayo? Anung reaction mo? Nag-away ba kayo?"

Oo, isa ako sa mga kauri ng third sex. Minsan ko nang naramdaman ang sabi nilang pagmamahal ngunit nawala iyon nung malaman kong may girlfriend ang boyfriend ko at nakabuntis pa ito. Oo, sinabi ko noon na naiinis ako dahil hindi siya loyal kaya nakipag hiwalay ako. Di naman katulad ng ibang relasyon ng mga nasa third sex na pine-perahan lang kasi di rin naman ganoon ang sitwasyon namin ngunit nakipag hiwalay pa rin ako. Bata ang kalaban ko, BUHAY! Anung magagawa ko? Sinabi ko nalang rin sa sarili ko na kahit anung gawin mo, maghahanap at maghahanap parin ang isang lalaki ng isang babaeng mamahalin. Mahal ko siya, Mahal niya dalawa. Nga nga.

*pasintabi sa mga taong natamaan at kasali sa issue. i didn't mean it. And for the both of you. CONGRATULATIONS!! Ginawa ko ito para makalimot at para maging simbolo ng pagwawakas ng ating estoryang kakaiba.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento