Final EKSAM nanaman.

Ang bilis ng panahon at hindi ko na namalayan na mag fa-finals na pala. Ang bilis lang kasi ng semester na to. Excited? hindi ah. Takot? Oo, takot akong bumagsak at umulit. Ayoko rin na ma-disappoint ang mga taong nag pupush sa akin just like my parents and my siblings. pressure much. 
Alam nilang kaya ko pero ako lang itong walang kumpiyansa sa sarili. Ako itong kukuha ng kursong accountacy at iiyak kung nahihirapan at magdidisisyung magshi-shift nalang sa susunod ng semester pero sa enrollment, pipila at mag eenroll sa accountancy program.

Ang gulo ko noh?

Ganoon kagulo ang utak ko. Mas magulo ang utak ko kesa sa aking kwarto. kesa sa mga nakatambak na damit sa aking cloth hanger. Kesa sa mga papel sa aking backpack at mga footwear sa lalagyan nito, yun bang parang gamit na gamit pero nagkalat lang dahil di mo alam kung anung isusuot mo at itriny mo silang lahat. hahaha..

Nakakatawa no? para lang akong baliw.

Mabalik ako. Oo, finals na namin next week at hindi man lang ako nagpre'prepare at heto nakaharap na naman sa computer. Pero bakit kaya nung high school kahit hindi mag aral, PUMAPASA; Eh  ngayong college, kahit di ka matulog, bumabagsak ka? Hay....

Alam mo kung anung kina eexcite ko? syempre bakasyon! hahaha... yun na agad ang iniisip? Sana lang pumasa ako sa mga subject ko especially sa FINANCIAL ACCOUNTING, TAXATION at BUSINESS LAW.

kaya, ipag-pray nyo po ako..
hehehe..
:)

2 komento:

  1. hyyyy... I wish you all the best... Own it... Papasa ka! Mas masaya ang bakasyon 'pag nalampasan mo ang mga pagsubok na 'yan... hehehe

    TumugonBurahin
  2. maraming salamat Senyor Iskwater... mahirap din kasing maging estudyante.. lalo pag demanding ang mga propessors at syempre ang subject..
    :)

    TumugonBurahin