Ulirat

Muli kong narinig ang mga yapak ng ulan
sa aming yerong bubungan..
Muli kang namutawi sa aking alaala..
Minumulto parin ako ng iyong mapupungay na mata at lumulha habang namumutawi sa iyong bibig ang mga katagang ayokong marinig.
Tumigil ako.
Huminga ako ng malalim.
Ang bawat halinghingvat byntong hininga ang naririnig sa aking silid.
Natuyo nalang ang mga luhang aking iniyak kagabe
Namuo ang mga patak sa aking paboritong unan
Na naging saksi sa aking paghihinagpis.
Huminga ako.
Ito nalang ang iniwan mong alaala.
Hanggang sa muli nating pagkikita.

1 komento:

  1. hindi na lang unan ang saksi sa iyong dalamhati...pati na rin kami...

    kakalungkot naman...

    TumugonBurahin