Pagbubukas ng Kurtina

Isa lang ang nais kong ipahayag sa paggawa ko ng blog na ito. Iyon ay ang ilathala ang aking naiisip at mga maiisip palang. Siguro marami lang talaga ang bumabagabag sa aking ulo ngayong mga panahong ito dahil marami rami narin ang nangyayari sa aking buhay. Isa akong manunulat sa isang pahayagang pang kampus ngunit di rin naman napapansin ang aking mga nasusulat sa papel. Siguro dahil ang mga naiisusulat ko ay iba sa intres ng mambabasa. Siguro dahil panget ang pamamaraan ko ng pagsulat. Siguro dahil mali ang aking naisusulat.

Oo, may inferiority complex ako. Sa ibang konteksto, naawa ako sa sarili ko dahil wala akong nagagawang tama. Puro negatibong mga pahayag ang pumapasok sa aking isipan na nais kong namang mawaksi na. Panay isip ko ng paraan kong paano ko maiiwasan ang ganitong sakit. Sabi ng kaibigan ko, magsulat daw ako. Oo, isulat ko ang mga bagay na bumabagag sa aking isipan. Isulat ko ang aking kahinaan, ang aking lakas, ang aking pagkukulang, ang aking pagpupuna sa sarili, ang aking kasiyahan, ang aking kalungkutan, ang aking pagdurusa't pakikipagsapalaran, ang aking pag ibig at kasawian, ang aking pagiingay at pananahimik, ang aking rebolusyon at pakikibaka, ang aking pagtatanghal, ang aking mga tula, prosa, berso, awitin, korido, maikling kwento at kahit anung obrang mabubuo sa aking murang balintataw.

Nais ko ring maging isang magaling na "photographer" o taga kuha ng litrato sa maliit na lente ng aking kamera. (Marahil di ko pa masasabing "aking kamera" sa kadahilanang wala pa akong pagaaring kamera) Nais kong ipakita ang kakaibang mundong nakikita sa letrato, kung gaano kahiwaga ito at kung gaano magiging isang obra at magkakaroon ng sariling kwento ang aking mga letrato. Kung paano mabubuhay ang isang mumunting larawan at kung paano ito mag kwe kwento sa mga taong titingin sa kanya. Isang pambungad palang ito kaya't di ko na pahahabain ang aking mga paunang salita.

Hanggang sa muli nating pagtatagpo magiting kong taga subaybay.

♥♥

2 komento:

  1. Hello! Salamat sa pag-follow! At grabe, dumugo yung ilong ko sa diretsong Tagalog. Haha.

    Anyway, good luck with your endeavors. Practice lang ng practice sa lahat. Magsulat ng magsulat. Picture lang ng picture! :)

    TumugonBurahin
  2. hi Ms. Dani...
    maraming salamat sa pagbisita sa aking blog!
    sana maging maganda din ang aking blog gaya ng sayo!
    At para sa aking pananagalog,
    i'll take that as a compliment...
    ♥johncel.

    TumugonBurahin