PAGOD MUCH

Nakakasakal na.

Akala ng lahat masaya ako. Akala nila manhid ako. Akala nila hindi ako nasasaktan. Ayaw kasi nila ng madrama, ayaw nila makarinig ng pag-iinarte, mas gusto nilang makinig ng joke ngunit kung problemado ka, wala kang ibang masabing tama o maganda, wala ring papansin sayo.

Nakakainis lang.

Nakakaabuso na ng kabaitan.

Sa tuwing may kailangan sila, palagi kang nariyan sa kanila. Dinaramdam mo ang kanilang mga hinagpis ngunit pag ikaw naman ang nalulungkot, nagmumukmok, wala sa mood, may problema, Ayun... wala na sila.

Alam ko naman na ganun talaga ang buhay.

Lousy daw kasi yung puro drama na lang. Pero di naman ako palaging nagda-drama.
Malungkot lang talaga ako.
Pasensya na.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento