Byaheng nkakainis

BIYERNES. SEPTEMBER 14, 2012.

eto ang ayaw ko sa pagta'travel via jeepney dito sa Samar. 
 
kada lugar nlang na madaanan, hihinto. walang babaan at sakayan.

Nakakainis rin kaya ang feeling na para kang sardinas na walang ulo na isinisiksik sa maliit na lata. 

HUMINTO NA NAMAN!!

nakakainis rin ang biglang liko kaya matutumba ka (kahit nkaupo k) sa kinauupuan mo. yung feeling na lahat ng extra motions ng katawan mo ay itinulutak into that direction. Kumusta naman yun?

Basta, nkaka inis magtravel ng ganito. Chance passenger. Ikaw yung sa gitna nakaupo na parang naubusan ng upuan sa larong Trip to jerusalem. In short, loser ka.

At nariyan din ang, ayun lumundag ak jeep, mga sira at buhang na kalsada. Sa bilis ng takbo ng jeep, pag dito dumaan, sure maalikabok
, parang rabbit na palundag lundag at garagal. Nakakairita kaya. kung pwede lang sanang lumipad, edi nag ala superman ako or di kaya isang manananggal nlang (keri mo yun? Carey nga ni Mariah, kaw pa kaya) hahaha... basta. nakakainis. Medyo masakit na ang ulo ko. medyo nahihilo na ako kaya, joy ride lang.. go!

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento