HAGGARDO VERSOZA

Alas tres trenta y uno na!! Gising pa ako!!

Heto ako ngayon sa aking mumunnting lamesa.
Salampak sa mga tra-trabahuing papeles at mga dokumentong kakailanganin
dahil next week na ang submission ng mga requirements sa major at minor subjects.

Heto ako ngayon.
Nakasalumbaba at nakaka-dalawang tasang kape na naging karamay ko narin sa puyatang ito.
Malapit ko nang maabot ang aking limitasyon.
Pagod na ako ngunit ang isip ko nama'y patuloy paring umiikot at tumatakbo.

Kaya heto na naman ako.
Wala nang creativity na natitira.
Tuyong-tuyo na ang utak ko na para bang daing na binudburan ng asin at ibinilad sa araw.
Pagod na ako. Ngunit gusto kong matapois ito.
Anung gagawin ko?
Please, Tulungan niyo naman ako.


Nagmamakaawa,
JCEdos
:)

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento